Thinking of Rizal this morning.
.
He committed a form of suicide. He tried to make Spain see reason
because he knew that separation would be the prelude to a new colonization
(this was already the thesis of his mentor, Padre José Burgos). He saw no
sense in surviving to see that. He would not have wanted to witness the
californication of Filipinas. He would have been a persona non grata for the
Yankees, would have preferred eternal exile. He had risked everything, bet
everything, and he preferred to go, with his message to the future intact:
.
.
.
.
. You will continue to be slaves, under two
tyrants: within, the enemies of culture,
of education, of the upliftment of our people; and without, the enemy
of freedom, this time more invisible than the Spanish, yet more controlling
because he will make you love your chains and wear them with pride.
.
.
.
.
The proof of your disgrace will be there in plain sight, but you will
remind blind for a hundred years. You will forget us, you will forget that
for which we fought and gave our lives.
.
.
However, the evil newly installed in Filipinas will continue to spread
and when it has covered the planet, and the rest of the world begins to
reflect back to you your own initial despoilment, the great experiment of
collective hypnosis, perhaps you will begin to awaken, and it will be a
bitter awakening. Only then will you realize the true sense of my words and
what I gave my life for.
.
Because had I lived, the lie would have triumphed completely and then,
it would have been true that I had lived in vain.
.
No. One day you will illuminate
the truth, and the truth will, at last, set you free.
.
.
.
.
.
Rizal died in profound peace with his
conscience. This is why his pulse was
.
normal seconds
before he was shot. This
.
is why he
wrote: “To die is to repose.”
.
. .
And for the centuries of centuries he would be, at first, the
precarious flame of a solitary candle, and tomorrow, the blinding strobe
light piercing the total darkness of the Filipino soul. He will be the example against which each
Filipino will have to measure him/herself, and the merciless mirror of God,
in which each deceiver, each dismemberer of corpses, each enemy of the
spirit, will see their true face reflected, in all its hideous pestilential
rottenness.
.
.
.
.
.Upon choosing physical death, Rizal chose to be a portal for the
future.
.
.
The gift of his life is the open possibility of our people’s future
redemption and resurrection.
|
Pinag-isipan ko si Rizal ngayong umaga.
.
Maaaring isipin
natin na gumawa siya ng isang uring pagpapatiwakal. Sinikap niyang gawin na makita
ng Espanya ang pagkakatwiran ng pagkilala ng mga karapatan ng pilipino, dahil
alam niya na ang paghihiwalay ay magiging umpisa lamang ng isang bagong
colonisasyon (at ito na ay dating tesis ng kanyang guro, si Padre José
Burgos). Nakita niya ang walang kahulugan ng pananatiling buhay upang makita lamang
niya ang bagong pagsakop ng kanyang Bayan. Alam niya na siya’y magiging
masuklam na tao para sa mga amerkano. Hindi na siyang mananatili sa
Pilipinas, mas gugustuhin niyang mapatapon ng walang hanggan. Itinayá na niya
ang kanyang buhay, sinugal niya ang lahat, at mas gusto niyang umalis, mamatay,
upang iwanin sa kinabukasan ang kanyang mensaheng buo:
.
Ipapatuloy
ang inyong condicion bilang alipin, sa ilalim ng dalawang punong maniniil: (1)
sa loob ng Bayan, ang mga kaaway ng kultura, ng edukasyon, ng pagpapataás ng
ating lahing pilipino; (2) sa labas ng Bayan: ang kaaway ng kalayaan, ngunit
ngayon, hindi ninyo silang makikita, di kaparis ng mga castila, datapwa’t ang
kanyang kapangyarihan y magiging más mapaglaláng, kasi gagawin nila na
mahalin ninyo ang inyong mga kadena, at isusuot ninyo ang mga tanikala, at
ang mga ito’y ipagpapahalaga ninyo sa inyong loob.
.
Ang
katibayan ng inyong kahihiyán ay naririyan sa malinaw na paningin, ngunit
kayo’y mabubulag laong isang daang taon. Malilimutin
ninyo kame, malilimutin ninyo ang dahilan ng aming paglabanan, at ng pagbigay
namin ng aming buhay.
.
.
Gayunman, ang kasamaang
namilipit sa Pilipinas ay patuloy na lalaganap hangang sakupin nito ang buong
planeta. At pagdating ng araw na ang mga ibang lahi na sinisiil ay
magsimulang magpasalamin na pabalik sa inyo, nang sarili ninyong paunahing
pagsamsám---kahanga-hangang eksperimento na kolektibong Hipnosis--- maaaring
kayo’y magumpisa na magising, ngunit itong paggising ay waláng-salang na
mapait. Lamang pagkatapos nito’y matatantó ninyo ang tunay na kahulugan ng
aking mga salitá, at bakit binigay ko ang aking buhay.
. . .
Sapagkat, kung di
ako namatay, ang kasinungalingan ay siguradong magtatagumpay, at ibig
sasabihin nito, na sa katotohanan, nabuhay ako nang walang kabuluhan.
.
Hindi ko ito mapahintulutan.
At darating ang araw na mapapaliwanag ninyo ang katotohanan, at sa wakas, ang
katotohanan, ay magpapalaya sa inyo.
.
.
.
Si Rizal ay namatay sa piling ng isang napakalaking kapayapaan na naghari sa kanyang budhi. Ito ang dahilan na ang kanyang pulso ay normal, ilang saglít bago siyang binaril. Ito ang dahilan na sinulat niya sa kanyan huling tulà: “Morir es descansar”. Ang kamatayan, ay pahingá.
.
.
At sa panahon ng
higít na isang daang taon, siya’y mananatiling kung bagá, isang maliit na
dila ng apoy ng isang candila. At sa
kinabukasan, isang nakakabulag na liwanag, na tatagusain ang karimlan ng
kaluluwang Pilipino. Siya’y magiging halimbawa para sa bawat isa, upang sukatin
natin ang ating sarili, kaparis sa kanyang kalinisan, kapurihan at
karangalan. At siya rin ang salamín na ibabalik na walang habág, ang mukha at
loob ng bawat mang-uulól, bawat nangagsi-putol-putol ng bangkay, bawat kaaway
nang espiritu, upang makita nila ang kanilang nakakasalot at nakapang-hihilakbót
na kabulukán.
.
Nang pinili ni Rizal ang kanyang kamatayan, pinili rin niya na maging
portal para sa hinaharap.
.
Ang regalo sa atin ng kanyang buhay, ay ang bukás na pagkakátaon ng
ating lahi, upang ganapín ang ating darating na katubusan, at muling pagkabuhay.
|
Monday, March 18, 2019
Thinking of Rizal / Pinag-isipan si Rizal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment